|
Thank you..
Sa lahat ng taong nagparamdam ng pagmamahal, nakiramay at nanalangin sa pagpanaw ng aking mahal na INA, maraming, maraming salamat po.
Fiat voluntas Tua
God works in mysterious ways. Life sometimes is sooo surprising. It would be a mess if you would just sit and wait for everything to be done, that would be useless. Last week was a moment for life. Everything was clear. Everything was in place and almost everything are planned. However, a realization that would eventually change my entire existence. Its really hard to accept. It hurts me a lot. But the funny thing about this is that, though it took me time to accept what happened , eventually i just smiled, and say “fiat voluntas tua!” Thanks to the support and the encouragement of my better half, or should I say best half. Right now, all I want is your prayer. I Still believe that God is really good to me. Join me as I pray Fiat voluntas Tua!”
pagninilay
Bakit sa Maragondon? Ni ginoong Gabriel “gabo” Alina Ang buhay sa Maragondon ay maikukumpara sa isang payak at simpleng sementeryo. Sa dinami-dami ng mga pwede ipagkumpara bakit kaya ang naisip ko ay isang sementeryo. Sa sementeryo kasi tahimik ang buhay, payak, huling hantungan ng isang tao. Alam kong medyo wirdo ang aking pagkukumpara sa lugar na to kaya lang ito ang bunga ng aking pagninilay sa isang buwan kong pagtigil at paglagi sa Maragondon. Hayaan mong ipaliwanag ko kung bakit. Ang buhay kong naranasan dito ay isang napakapayak na pamumuhay. Minsan ang araw ay matatapos na lang nang hindi mo mamamalayan. Minsan hindi mo mapapansin na hapon na pala, na hapunan na pala, na patulog ka na pala. Gayun pa man, sa bawat araw na dumadating ay may kasiyahan na dumadating at may tunay na kasiyahan kang nararamdaman. Minsan pa nga sasabihin mo na lang na naka-survive ka naman ng isang araw na pakikipagbuno sa buhay. Nasanay ako sa buhay na mabilis, buhay na may ingay, tunog ng sasakyan, tunog ng mga nagpapalakasang establishments na kanya kanyang pakulo para makuha ang atensyon ng mga mamimimili. Buhay na napapaligiran ng napalalaking building na may kanya-kanyang espesyalidad na kung gusto mong kumuha o magkaroon ng ganitong bagay o isang bagay na kailangan mo ng ganung oras ay makakakuha ka basta’t pumunta ka lang sa lugar na yun. Buhay na napapalibutan ng mga “instant” sa buhay, instant coffee, instant na tubig, instant na pagkain at minsan pa nga instant money. Kaya lang kung tatanungin mo o pagninilayan mo talaga ng mas malalim maitatanung mo kung ganito ba talaga ang buhay sa tunay na mundo? Minsan sa paligid mo makikita mo ang mga tao na di magkamayaw sa mga ginagawa sa buhay, di mo maisip kung bakit busy na busy at gagawin ang kung anu-ano para sa kanyang sarili o para sa pamilya man niya ito. Makikita mong nagmamadaling pumasaok sa trabaho o kung anu-ano pa mang appointment na may kinalaman sa kung anung mangyayari sa buhay niya. Ang buhay ay mabilis pero walang kasiguraduhan sa buhay. Mabilis ngunit walang fulfillment ika nga. Kaya lang ang buhay dito sa Maragondon ay kabaliktaran ng lahat ng aking naranasan. Ang buhay ay mabagal kaya lang nanamnamin mo ang bawat oras at segundong daraan sa buhay mo. Mabagal ngunit sigurado ka sa bawat mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo at siguradong mababaon mo ang bawat karanasang ito sa buhay hanggang pagtanda mo at habang naglalakbay ka sa buhay. Bagaman ang buhay dito ay payak, at minsan masasabi mo talagang paano pa ko makakasurvive sa kinabukasan dahil halos walang-wala na ang bulsa mo, marerealize mo na lang na sa kinabukasan ay nakasurvive ka naman ng isang araw. Ang pera ay hindi gaanong usapin dito sa lugar na ito. Hanggat may halaman o gulay o palay sa paligid na pwede mong hablutin para sa paghahanda mo sa hapag ay mabubuhay ang isang pamilya at talaga namang kakain sila ng masaya ng walang ano mang alintana sa buhay. May mga kapitbahay o kaibigan kang pwedeng lapitan para punan ang kung anu mang kakulangann mo sa buhay maging material man ito o pinansyal o kahit simpleng kakwentuhan. Hindi na ko nagtatakang sa lugar na ito tahimik ang lahat at halos ang lahat ay nagkakaisa sa buhay at tinuturing ang bawat isa na isang kaibigan. Itunuring ang bawat isang anghel na kailangan ang bawat isa para makalipad. May mga tao akong nakausap at minsan hindi din maiiwasan ang tanungin ko sila ng mga bagay na minsan hindi mo aakalaing ganun ang kanilang isasagot. Minsan may natanong akong isang bata kung anu ang kanyang pangarap sa buhay. Sagot nya sa akin “gusto ko pong maging katulad ng tatay ko. Isang masipag at mapag-arugang ama, hindi kami pinapabayaan at halos kalimutan na ang kanyang sarili para po sa amin”. Sa una hindi ko alam kung anung gagawin ko o anu ang aking isasagot. Pero di ko alam kung bakit ko sinabing, “ eh sa mga propesyon o mga bokasyon na napipili mo, halimbawa di mo ba gustong maging engineer o architect o titser kaya?” ngumiti lang ang aking kausap sabay sabing, “frater alam nyo po para sa akin sapat nang iyon ang aking maging propesyon o maging tawag ko po sa buhay. Aanhin ko po ang mataas na pinag aralan o magandang titulo sa buhay kung hindi ko naman kayang tulungan o gawing isang pamilya ang aking pamilya. Mas mabuti na pong maging isang magsasakang katulad ng aking tatay, buhay naman kami sa pagmamahal na nagmumula sa isang tunay na nagmamahal.” Hindi ko na matandaan kung paano nagtapos ang aming pag-uusap. Ang natatandaan ko na lang tumayo na sya sa aming kinauupuan sabay sabi “uuwi na po ako, salamat po sa oras , ipagdarasal ko po kayo.” Sa pag-alis nya, narealize ko na totoo ang kanyang sinabi, samundong ito o sa lugar na aking nakasanayan, minsan ang titulo o bansag na nakkabit sa pangalan ay napakahalagang factor o element sa buhay na ito na dapat meron para mabuhay ka ng maayos, nirerespeto at tinitingala ng iba. Kaya lang sa lugar na ito ipinamukha at ipnakita nya sa akin na hindi mahalaga ang katayuan sa buhay. Ipinakita nya sa akin sa simpleng pagkwekwentuhan kung anu ang kahalagahan ng tunay na pagmamahal. At tunay at buong konsepto ng pagmamahal. May mga pagkakataon kasing hindi na alam ng karamihan sa atin kung ano ba talaga ang tunay na katayuan at kahulugan ng pagmamahal. Kaya lang dito ang mga tao alam kung ano ang tunay na kahulugan ng tunay na pagmamahal. Simple at payak subalit malalim ang tinuturo. Simple at payak subalit makabuluhan. Hindi ko din maitatanggi na sa lugar na ito, malungkot talaga ang buhay, tahimik. Minsan gusto mong aliwin ang sarili pero walang masyadong pwedeng puntahan para matuwa ka o maaliw sa mga makikita mo. Nasanay kasi ako na kapag malungkot o may gustong puntahan para mairelax ang sarili may SM kang pwedeng ikutan o ika nga pwedeng paglakwatsahan. Dito tanging munisipyo lang, 7-11 convenience store, comp shop na medjo nakakainis at nakakainip kasi naman napakabagal ng connection, Buns and pizza na sa tuwing dadaan ako wala pa atang taong kumakain hindi ko pa nakikita ang lugar na yun na may taong kumakaen, maliliit na tindahan na may nakatambay na estudyante na nagkwekwentuhan ng kung anu-ano ngunit masaya naman. Pero napapatanung din ako sa sarili ko. Sa paglipas at pagdaan ng araw masasabi ko na lang na anu nga ba ang tunay na kahulugan at pwedeng magpasaya sa isang tao? Mall ba? Mga tiangge o mga fast food? O ang mas malalim kong tanung na “anu ba ang dahilan kung bakit ako nalulungkot?” Ito ba talga ay dahil sa lugar o may mas malalim akong dahilan ng aking kalungkutan. Hindi ko maitatanggi na oo, nakakamiss talaga ang mga taong nakasama ko along the way sa paglalakbay, yung mga taong nakasama mo sa tawanan, sa kulitan sa asaran at mga taong minsan pa nakasamaan mo ng loob pero along the way marerealize mo na may malaking impact pala sa buhay mo ang karanasan na iyon. Pilit kong tinanung at kinompronta ang aking sarili at laking gulat ko na lamang ng aking marealize na ang kalungkutang aking nararamdaman ay bunga na din na parang ako ay nananamlay na sa aking piniling daan. Minsan may mga pagkakataon na nakatingin lang ako sa mga puno, naka-upo lang sa veranda at tinatanong ang sarili “handa na ba talaga akong sundan si Hesus?” Handa na ba ako sa mga hamon na aking makakaharap. Aking napag isip-isip na ang kalungkutan ko palang nararamdaman ay dahil na rin sa takot kong baka along the way bumigay ako sa paglalakbay ko na ito. Takot na baka gumising ako sa isang araw masabi ko na lang na hindi pala ako sa bokasyong nais kong makamtam. Takot na baka hindi ko masagot ang mga katanungan ko sa buhay at takot na nagdadala sa akin para ako’y malungkot Yung lungkot na dala sa akin ng Maragondon ay nagdadala din sa akin sa mga katanungan na minsan ay nagmumulat sa akin ng tunay na estado ng aking sarili kung nasaan na ba ako sa aking pagsunod kay Hesus. Naibigay ko na ba ang lahat? Kaya ko pa bang magbigay? Naalala ko tuloy ang paglimot sa sarili. Sabi ko, baka kasi nagiging seasonal na naman ang aking paglimot. Napagtanto ko na lang na sa kalungkutan maari kang lumakas at sa kalungkutan maiisip mong hindi ka talaga nag-iisa, ang Diyos ay kasama mo kahit na may inisip ka pang problema hindi ka nya iiwan sa hamon ng buhay. At sa kalungkutan iyong malalaman na ikaw ay tunay na minamahal at nagmamahal. Kalungkutan ang minsang ginagamit ng Diyos para sabihin nyang “Mahal kita at hindi ka nag-iisa.” Minsan, nakaupo ako habang nag gigitara, dumating ang isang taong matagal ko na ding kilala, sabi nya sa akin, “welcome sa Maragondon, mag-eenjoy ka dito” sabi ko sa kanya “salamat po ate” Bago pa man siya makalayo nagtanung syang muli “ Gab, bakit Maragondon?” Hindi ako nakasagot at siya nama’y kailangan nang umalis dahil magsisimula na ang kanilang meeting. Bakit nga ba sa Maragondon? At bakit Maragondon pilit at paulit-ulit kong tinatanung ang aking sarili. Bigla na lang pumasok sa isip ko na, sa buhay natin may mga bagay tayong mabibigla na lamang tayo sakaling biglang dumating ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Minsan ang mga bagay na ito ay wala sa mga plano mo at ni’ sa ulirat ay hindi pumasok o maging sa guni-guni ay hindi pumasok sa isipan mo. Kaya lang, sa paglipas at pagdaan ng araw unti-unting magiging malinaw o hindi man masagot ang katanungan ay may mga bagay kang marerealize na konektado sa katanungan mo bakit ganto o bakit ganyan. Sa katanungang bakit sa Maragondon, wala akong maisasagot na buo at masasabi kong ito talaga ang sagot o ito ang pinakadahilan kung bakit ako naandito sa lugar na ito. Ngunit masasabi kong darating ang araw ay malalaman ko din ito at masasabi kong “ah kaya pala ako nasa Maragondon.” Malabo mang maituturing, ang mahalaga ay sa simple at payak kong pamumuhay sa lugar na ito ay lumalago ako biglang tao. Natututo at matututo pa ako bilang tao at kahit maging pari man ako o hindi. At sa bawat karanasan na aking matututunan ay magagamit ko ito bilang tao sa paglalakbay ko sa buhay. Karanasan maaaring isulat sa aking aklat na ang titulo ay “BUHAY”. Sa mga panahong ito hindi ko man masagot kung bakit nga ba dito sa Maragondon, alam ko may karunungan nakatago sa pangyayaring ito ng buhay ko, kung anu man ito alam ko sa takdang panahon mauunawaan ko ito. Ito ang sementeryo ng buhay ko ngayon, simple at payak. Sa sementeryo ang huling hantungan ng isang tao, subalit sa sementeryo ding ito makikita ko lalo ang sarili ko kung kaya ko bang mamatay sa sarili ko o hindi.. Sa ngayon, ibibigay ko na muna ang sarili ko sa paghuhubog na ito, after all nasa mabuti akong kamay sa pangangalaga ni Fr. Lino at alam ko sa pagkakataong ito at sa lugar na ito matututunan ko kung pano pa maging simple at payak katulad ng aming sinusundan ang Mabuting Pastol—si Hesus.
gabotsky July.27.2010 maragondon, cavite
st. andrew the apostle
Ang.. kukulit, may gumugulo sa buhok ko sa likod. Si Chelcie kinukulit ako, si Liel sumisilip, si Cassandra and puti. Si Dan2 mukang tukmol. Si Den2 dwarfino. Si Teriz umiyak nung training. Wala lang.. wala lang ako mapost. Ang gulo kasi nila eh. Goodluck na lang sa CADIPSAA sa thursday and friday. Galingan sana nila lahat. Ayun.. ayun… Reminders: Wear your civilian clothes tomorrow. Fetch your child at 12:oo noon. (half-day classes) Players be back at 1:00p.m for the practice No classses on thursday and Friday. Good luck!!
“outside world here I come!”
It’s been a hard decision for me, but I need to face it and tell the world about the real score. Sometimes, I tend to forget that I’m just a human being capable of committing mistakes and shortcomings. I feel down last Thursday, it is as if i lost a game or I lose something special—a pearl of the great price. I already left the seminary or should i say they advised me to take a rest in the context of seminary formation. Its hard but i know God has better plans for me. I need to face another chapter of my life wherein i would be the author and God will be my editor, i am the artist and God will be the director, i am the passenger and God will be my driver, i am the carpenter and God will be my architect, i am nothing and God will be my everything. Life must go on, I would like to thank those people who supported me and understand me when i needed them most. It will be treasured forever in my heart. So as the saying goes… “Outside world here I come!”
para sa mga guro..at sa guro ng buhay ko..
Guro ka ba? Ni ginoong Gabriel Alina Ang buhay ay isang paglilingkod. Bawat hininga sa araw-araw sa pag-gising natin sa umaga ay isang biyayang nagmumula sa Diyos bunga ng kanyang kabutihan at pagmamahal. Ang bawat biyayang ito ay isang responsibilidad, isang paanyayahang dapat tuparin, tugunan, isang paanyayang dapat umibig at magmahal. Ang biyaya ding ito ay isang tawag para maglingkod. Hindi para paglingkuran. Ako, bilang tao, sa araw-araw ay nabiyayaan ng napakaraming biyaya na minsan ay sobra pa sa aking inaakala at dapat makuha., more than I desrve ika nga. Kung babalikan ko ang bawat yugto ng buhay ko, hindi ko lubos maisip at lubos ang aking pasasalamat sa kabutihan ng Diyos sa akin. Minsan na din akong nawala sa Kanyang landas at heto ako ngayon bumabalik sa Kanyang piling. Kung may isang yugto o kabanata man ako ng buhay ko ngayon na parang libro na laking binubuklat at binubuksan para balikan, iyon ay ang yugto na kung saan naging parte ako ng OLPCS family. Dati pa man, sabi ko sa sarili ko, kung ako man ay hindi magiging pari nais ko at pangarap kong maging guro. Sarap kasi sa pakiramdam yung may natutunan sayo ang mga estudyante mo. Kaya lang hindi pala ganun kadali ang maging guro. Parang isang bangka sa dagat, may malakas may mahinang alon. Minsan pa nga ang bangkang yun’ ay nakakaharap pa ng mga bagyong aakalain mong magpapalubog sa barko. Pero, anu ba ang natulong ng OLPCS sa paghuhubog ko bilang isang seminarista o mas higit pa, bilang isang tao? Sa OLPCS iba-iba ng estudyante, may mabait, medyo mabait, nagbabait-baitan meron naman talagang napakabait. Meron din naming makulit, medjo makulit, naiimpluwensyahan sa kulit. May kulang sa pansin, sobra sa pansin, at kapansin-pansin. May mayaman, merong may kaya, wala, walang wala. May mapagmahal, sobra kung magmahal, tanga kung magmahal, meron namang manhid. Kahit anu pa man sila lahat sila ay nakatulong sa akin. Anu nga ba ang maging guro? Paano nga ba maging guro? Saan nga ba dapat maging guro? At kalian nga ba maging guro? Minsan kapag uuwi ako sa boarding house, habang tinatanggal ko ang sapatos ko tatanungin ko sarili ko, natuto kaya sila? Masaya kaya sila? Naintindihan kaya nila ako? Naging mabuting halimbawa ba ako? Hindi ko naman masagot-sagot ang mga katanungan dahil hindi ko naman sila tinatanung. Pero ganun pa man sabi nga, “life must go on, the show must go on” Kaya lang minsan nakakapagod din pala ang maging guro, minsan ginagawa mo na ang lahat, minsan mali ka pa din sa paningin ng ibang tao, minsan hindi pa pala sapat ang mga ginagawa mo sa kanila, minsan makakarining ka pa ng “pula’ o batikos sa iba. Pero sa kabila ng lahat ng ito gigising ka sa susunod na umaga na umaasang sana pagharap mo sa kanila may matututunan sila. Minsan naalala ko, pumasok ako sa isang klase ko, halos hindi ko maipinta ang mukha ng mga estudyante, tinatong ko sila, sabi ko kung anu problema, sabi nila pagod na daw sila. Sabi ko naman, magpasalamat sila kasi napapagod sila, ang ibang tao hindi na pagod kasi patay na sila. Malakas na tawanan ang sumunod na nangyari, pero nung’ tiningnan ko ng mas malalim ang nangyari sabi ko nga, tama naman, ako man nakakaramdam din ng pagod at minsan gusto ko na ding sumuko at umayaw kaya lang sa kabila ng kapagurang iyun dapat pa kong magpasalamat kasi habang nakakaramdam ako ng pagod, pilit na ipinararamdam sa akin ng Diyos na may misyon akong dapat kong gampanam at ang pagod na yun ang nagsisilbing komunikasyon at tulay para sabihin sa akin ng Diyos na “mahal kita, mahal ka ng mga estudyante mo.” Halos isang taon ko din nakasama ang mga estudyante, minsan aakalain mo na sayo matututo ang mga estudyante mo kaya lang minsan, sa paglubog ng araw maiisip mo ikaw pala ang natutu sa kanila. Sa mga munting kwentuhan, tawanan, palitan ng ideya at karanasan mapupuno ka ng bagong kabanata na madadala mo habang buhay. May mga pagkakataong lalapit na lang sila sayo, nang walang salita ay bigla silang iiyak, kahit na pagod ka na, na gusto mo nang magpahinga wala kang magagawa kundi makinig kahit sa kanilang pag-iyak, haplosin ang likod at sabihing “tama na, kaya mo yan, ganyan talaga ang buhay” . Kahit na may problema ka ding personal kailangan mong makining sa bawat salitang mamumutawi sa kanilang labi at pakinggan ang kanilang problema, maging sa bahay man ito, sa kanilang mga magulang na hindi na daw sila maintindihan, at pati na din sa magulang na hindi na din daw sila maintindihan ng kanilang anak, sa eskwelahan, sa kaibigan, sa boyfriend, sa girlfriend o personal na problema man. Kahit na durog ka na din at wasak na ang iyong pagkatao at kailangan mo din sana ng makakausap at makakakwentuhan para gumaan kahit papanu ang pakiramdam mo ay kailangan mong ipakita na malakas ka, nakangiti ka, wala kang problema para may mapagkuhanan sila ng lakas para magpatuloy ang buhay nila. Kasi kung hindi baka hindi sila magbahagi at maglabas ng bigat sa kanilang kalooban. Hindi mo naman makakayanan ang ganun dahil alam mo sa sarili mo na mahirap ang sitwasyon kapag ganun at hindi mo makakayanang matulog at sasabihing “sana pinakinggan ko muna siya”. Minsan nga halos hindi ko kayang pumasok dahil masama pakiramdam ko o kaya naman hindi ako makakapagturo ng maayos sa bigat din ng dinadala kong problema kaya lang papikit na ang mga mata ko may makakatanggap akong text at sasabihin na sana pumasok ako para may makuhanan sila ng lakas sa pag-aaral. Minsan gusto ko sila sagutin ng tao din ako, nahihirapan, nasasaktan kaya lang wala akong magawa kundi pumasok at ipakitang “ok si cher gabs” “cool si cher gabs” “ang strong ni cher gabs”, kaya lang deep inside im dying. Pero Makita mo lang ang ngiti nila ok na ko, parang nawawala na din ang problema ko. Minsan nasasabi ko nalang ganto pala maging guro. Kailangang kalimutan ang sarili para sa ibang tao. Maging wasak para sila ang mabuo, bumigat ang loob, para sila ay gumaan ang pakiramdam, maging mahina para sila ang lumakas. Wag maging ikaw para sila ay maging sila. Pero ano nga ba ang sukatan ng pagiging guro? Sapat ba na maibigay mo at matapos ang klase mo na nakasulat sa iyong lesson plan, wlang labis walang kulang? Sapat ba yung mapangiti mo ang mga estudyante mo sa mga jokes mo na nka-integrate sa klase mo sa arw na yun? Sapat ba yung nakikinig ka sa mga hinaing at problema ng mga estudyante na kahit walang ka-kwenta-kwenta ay kailangan mo pa ding makinig at bigyan ng payo? Sapat ba yung makasama ka sa mga “gala” nila kung saan-saan na kahit minsan ay hindi nakakatawa ay kailangan mong tumawa? Sapat ba yung ayunan mo sila sa mga hinaing nila sa sa school na kahit wala kang magagawa ay kailangan mong sabihing “kaya mo yan!” at marami pang iba. Napakaraminng pwedeng sukatan, pero anu nga ba ang suktan ng pagiging isang guro. Sabi ko nga, ang maging guro ay napakadali lamang. Humarap ka sa klase at magsalita ka ng related sa klase mo at subject mo sa araw na yun, ok na yun, guro ka nang maituturing. Pero ang mahirap at ang magpakaguro pag-gising mo sa umaga, sa tanghali, sa gabi at minsan kahit nasa mall ka at nagrerelax dapat ay maging isang guro ka. Minsan nga at totoo naman talaga, maski sa pagsasalita ay dapat maging guro ka. Napakahirap ng aking naranasan bilang isang guro, pero dahil sa mga hirap na yun, dahil sa mga pagkakataon na nasabi ko sa sarili ko na mahirap pala talaga maging isang guro ay naging malakas at naging isang tao akong punong-puno ng karanasan. Karanasan na nagdadala at nagtutulak sakin ngayon para ipagpatuloy ang aking nasimulan bilang isang guro. Kaya naman nating maging guro sa bawat isa, ang kailangan lang ay tanggapin ang limitasyon ng bawat tao. Maging lakas ng bawat isa at sa kahuli-hulihan maging kamag-aaral ng bawat isang naglalakbay. Minsan tinitingnan ko ang pagiging guro ni Hesus. Siya Diyos, pero hinubad ang pagiging Diyos para maging guro ng bawat isa. Maging guro ng mga naliligaw, napapagal sa mga hilahil sa buhay, maging guro sa mga taong nagtatanong kung anu ba talaga ang dahilan ng kanilang paglalakbay sa buhay. Lahat naman tayo pwedeng maging guro basta aminin mo lang ang iyong kahinaan dahil may taong darating para magturo ng tamang aral na magagamit natin sa paglalakbay. Kaya nga kung sukatan siguro ang pag-uusapan sa pagiging guro, wala tayong ibang pwedeng tingnan kundi ang pagiging guro ni Hesus. Yung ialay ang buhay para sa sangkatauhan. Siguro sa panahon ngayon masasabi natin na wala nang mag-aalay ng buhay, kaya lang isang hamon siguro ito sa bawat isa na kung nais mong maging guro tularan natin si Hesus. Walang pinili sitwasyon ng buhay, walang mayaman walang mahirap, ikaw man ay mang-mang, ikaw man ay sugatan, ikaw man ay mahina, malakas, ikaw man ay nalilito na sa sitwasyon sa buhay o sa madaling salita kahit ano ka pa tatanggapin ka Nya. Sa huli kung pagod na tayo sa pagiging guro sa ating kapwa, tingnan mo lang ang krus. Siya napagod din, kaya lang hindi sya tumugil, maski ang Kanyang buhay ibinigay Niya para maging guro ng bawat isa sa atin. Wag tayong mapagod, kasi sa likod ng pagod na yan ay biyayang hindi kayang tumbasan ng kahit anu mang material na bagay na narito sa lupa. Marami na tayong mga naging guro na nagdaan sa buhay natin. Iba-iba ang karanasan. Iba-iba ang impresyon na minsan nadadala natin hanggang pagtanda. Minsan ayaw nating maalala ang mga naging karanasan natin sa gurong ito, minsan naman masaya tayo sa pagkwekwentuhan sa mga naging karanasan natin sa gurong iyon, “ah terror yan” “ah laging assignment yan” “si quiz yan” “mabait yan” “ah crush ko yung teacher na yun” “ah nanligaw sakin yun” “ah naging kame nun” at kung anu-anu pa. Naparami nating reaksyon, comments pero natanong na ba natin ang ating sarili? Ako? Guro ba ako? Baka kasi akala natin ang guro ay ang mga taong naka-uniform na gumagawa ng lesson plan, mga taong humharap sa klase at nagsusulat sa blackboard at sasabihin “copy this, copy that” o mga taong nagbibigay sa atin ng assignment, o mga taong nagpapahirap sa atin sa araw-araw sa school o mga taong nag-cocompute ng grades natin at naglalagay nito sa card at kung anu-ano pang deskripsyon. Ikaw, tatanungin kita, sa sitwasyon mo bilang isang tao, na may pamilya, may mga mahal sa buhay, may mga kaibigan, isang simpleng tao na may pangarap, isang taong may problema sa buhay, isang taong kumakapit pa sa hamon ng buhay, isang taong sugatan, isang taong lito at nagtatanung sa mga pangyayari sa buhay at higit sa lahat isang taong nagmamahal…..
Guro ka ba?
July.16.2010 maragondon, cavite
New life:)
I miss everything. Nice place here.. seeking for you prayers and understanding for my imperfections and limitation. |
home ask me submit archive themes |